Ilang matabil ang bibig na kibitzers ang nagmamaldita sa pang-uurot sa anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na si Cassy.
Anila, may pagka-playgirl raw ba ang young actress na tila bet na pagsabayin sina Darren Espanto at Joaquin Domagoso?
Caught on cam kasi ang pagiging sweet nina Cassy at Joaquin dati kahit na romantically linked ang young actress sa biriterong si Darren.
May nako-confused tuloy kung sino ang iniirog ng Kapuso actress sa dalawang lalakeng close sa kanya.
Matatandaang naging viral pa noon ang panliligaw ni Darren kay Cassy na tila bet naman ni Carmina.
Speaking of the new endorser ng isang shampoo brand, inamin ni Cassy na gusto na niyang maging independent at humiwalay sa kanyang mga magulang.
Katuwiran niya, gusto raw niyang maranasan ang maging responsable lalo na’t may sarili na rin siyang kita mula sa TV at endorsements.
Katunayan, nakakapagbigay na rin daw siya ng kanyang share sa pagbabayad ng bills sa bahay.
Pero kung ang nanay daw niyang si Carmina ang tatanungin, ayaw pa raw siya nitong pakawalan lalo pa’t maituturing na over-protective daw ito sa kanila ng kambal na si Mavy.
Lately, may ilan ding nang-iintriga sa young actress na baka raw totally ma-develop na ito kay Joaquin lalo pa’t bumalik na sa Canada si Darren dahil sa takot sa surge ng COVID-19 cases sa bansa.
#CassyLegaspi #JoaquinDomagoso #DarrenEspanto