Hiwalay ang mag-asawang sina Michelle Madrigal at Troy Woolfolk na isang fitness trainer nito lamang Biyernes, Agosto 13.
Sa kani-kanilang Instagram account, ibinahagi ng dalawa ang kanilang hiwalayan kung saan nag-video pa ang asawa ni Madrigal.
Ayon sa dalawa, mahal pa rin nila ang isa’t isa ngunit hindi na bilang mag-asawa.
Walang binanggit ang mag-asawa kung kailan naganap ang nasabing hiwalayan ngunit base sa aktres sila ay nag-aasikaso na para sa kanilang divorce.
“Have been separated and are going through a divorce,” pahayag ni Michelle.
Dagdag pa nito, “of course, we have remained friends and co-parents to our beautiful daughter Anika.”
Matatandaan na nagkakilala ang dalawa sa Texas USA kung saan nag-aral si Michelle ng culinary at ikinasal sila noong April 2019.
Tags:
MICHELLE MADRIGAL