Sa kanyang Instagram account, ibinida ni Billy Crawford kung gaano niya sinasaluduhan ang kanyang misis na si Coleen Garcia. Ito’y dahil sa pagiging ‘selfless’ bilang asawa at ina.
Katunayan, para sa kanya, walang kapantay ang ginagawa nitong sakripisyo para sa kanilang dalawa ni Baby Amari.
Isang video rin ng kanyang mag-ina ang kanyang ibinahagi sa kanyang social media account .Takaw pansin ang kagandahan ni Coleen kahit tulog ito.
Aniya, nais niyang makita ng kanilang anak na si Amari kapag lumaki na ito kung gaano ang hirap at sakripisyo ni Coleen para mapaglingkuran silang mag-ama.
” Y’all don’t know how much this woman gives! I want Amari to see this when he grows up and realize how much mommy sacrificed for him. We both thank you mommy for being a wonderful mom and the best wife to a pasaway husband! ,” caption niya.
Umani naman ng papuri ang pa-tribute ni Billy kay Coleen.
Hirit ng ilan, suwerte raw ni Billy sa pagkakaroon ng submissive wife na kayang tiisin ang kanyang pagiging pasaway paminsan-minsan.
#BILLYCRAWFORD #COLEENGARCIA