Sa edad na 45 ay sexy at malambot pa rin ang katawan ni Vina Morales.
Ipinamalas ni Vina sa dalawang TikTok videos na naka-post sa kanyang Instagram account na walang kupas ang kanyang kaseksihan at galing sa paggiling.
Suot ang gold na robe at habang plakado ng make-up ang mukha ay game na game pa rin si Vina sa pagsayaw gamit ang TikTok.
“Happy ECQ Tiktok pa more with Pas de Bourree step,” saad ni Vina sa caption.
Bukod sa galing sa pagsayaw ay magbabalik teleserye rin ang aktres sa palabas ng ABS-CBN na Marry Me, Marry You.
Nitong Lunes inilabas ang trailer sa naturang teleserye na pagbibidahan ni Paulo Avelino at bagong Kapamilya na si Janine Gutierrez.
#VINAMORALES
Tags:
VINA MORALES