Bukod sa pagiging abogado ay may balak bang maging recording artist ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo?
Nitong August 13 kasi ay in-upload na ni Panelo ang music video para sa kanyang original composition na ‘You’re the Love of My Life’.
May pa-teaser pa ang abogado ng Malacañang bago tuluyang ipakita ang MV.
Ang music video ay kinuna sa Las Casas Filipinas, isang heritage at resort site sa Bagac, Bataan.
May cameo din ang asawa niya na si Dr. Araceli Panelo, kung saan makikitang nagsasayaw sila sa dulo ng video.
Sa ngayon ay humakot na ng 50k plus views ang kanta ni Panelo.
Tags:
SALVADOR PANELO
