Nakakabilib ang class nitong si Devon Seron on how she handles her breakup with Kiko Estrada.
Ilang linggo, or maybe months na yata, since natapos ang relasyon nila ni Kiko, pero quiet lang siya.
Dahil up to that time ay walang harsh comment or hugot man lang na reaksiyon mula sa kanya.
Bali-balita kasi na nakipag-break si Kiko sa kanya dahil kay Heaven. Kumbaga, may "sulutan" daw na nangyari.
But yesterday, isang palabang post ang makikita sa Instagram account ni Devon.
Ipinost niya ang kanyang larawan na nakaupo sa sahig at may simpleng caption na "Hi."
Maraming netizens ang nagandahan kay Devon sa kanyang larawan. Ang ilan naman, in-interpret ang IG post ni Devon bilang palabang babae.
Komento ng mga netizens, "AY, GUSTO KO ‘YAN!!!! LUMALABAN KA D’YAN."
"Mamsh, puwede post ka rin tapos caption ‘Time as the ultimate truth teller.’ HAHAHA, charot!"
"Iba talaga ang dating ng orig at ‘di nanunulot."
"Heaven face."
"Prettier than Heaven."
"Mamsh, umamin na ‘yung mga ahas."
Tinawag naman na "gwapa" si Devon ng director na si Theodore Boborol sa kanyang comment at ang isa pang celebrity na nakita naming nag-comment sa IG post ng aktres ay si Danita Paner.
Umani ng maraming replies mula sa mga netizens ang comment ni Direk Theodore and they were asking kung puwedeng gawan niya ulit ng project si Devon with Sam Concepcion and James Reid.
Sey pa ng isang netizen, "Direk, nakaka-miss po sina James and Devon, baka naman puwedeng reunion project sa kanilang dalawa."
May mga fans na kasi sina Devon at James during PBB days. Bago pa raw magkaroon ng JaDine (James and Nadine Lustre), may James and Devon fans na.
Sabi pa ng ibang netizens, "Sana kayo na lang ulit ni James... remembering your PBB days."
Ngayon daw na parehong single sina Devon at James, wish ng mga netizens na maging sila na.
Sabi pa ng isang fan nina James at Devon, "They're both single na, maybe they have a chance rin, hahaha!"
Oo nga naman.