Ang child star na si Carlo Mendoza, mas kilala bilang ‘Gigil Kid,’ ay hindi na naitago ang kanyang pagkadismaya sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa isang video, makikitang nagbibigay si Carlo ng emosyonal na talumpati sa harap ng mga dumalo sa isang rally sa EDSA Shrine.
Ayon sa kanya, dismayado siya sa paraan ng pagpapatupad ng batas at kaayusan sa bansa, lalo na sa kampanya laban sa ipinagbabawal na mga substansya.
Ikinuwento ni Carlo ang epekto ng dr*ga sa kanyang pamilya, partikular ang kanyang ama na umano’y nalulong dito. Aniya, ang paggamit ng ipinagbabawal na substansya ang nagdulot sa kanyang ama na gawin ang masakit na karanasan na naranasan ng kanilang pamilya.
“Dahil sa dr*ga na pinapalaganap mo, ginahasa ang ate ko nang dahil sa bisyo,” emosyonal na pahayag ni Carlo. “Yun ang dahilan bakit nagawa ng tatay ko ang nagawa niya sa ate ko.”
Kasunod nito, direkta niyang hiniling kay PBBM na magbitiw na sa pwesto dahil sa aniya’y mahinang pamamahala.
“Nananawagan ako sayo sa Republika ng Pilipinas, sa Malacañang, na uulitin ko, mag-resign ka na,” pahayag ni Carlo.
Marami sa mga netizens ang pumuri sa tapang ng batang aktor, lalo na sa kanyang mapusok na paninindigan sa harap ng publiko.
Si Carlo Mendoza ay unang nakilala matapos siyang madiskubre ni Ion Perez. Lumabas din siya sa ilang palabas sa telebisyon at kinilala sa kanyang nakakatuwang personalidad.
Ano ang masasabi mo sa panawagang ito ni ‘Gigil Kid’? Sang-ayon ka ba sa kanyang mga sinabi, o may ibang opinyon ka? Ibahagi ito sa comments!