Awkward ba sa isang mag-asawa ang hindi na nagsisiping sa gabi?
In the case of Robin Padilla and Mariel Rodriguez, the answer is NO.
Last two years pa noong sabihin ni Mariel that she and Robin don’t share the same bed. That time kasi ay bine-breastfeed pa ni Mariel ang bunsong anak na si Gabriela.
Nauudlot daw tuloy ang pagtulog ni Robin.
Now on their 11th year bilang mag-asawa, wala pa ring pagbabago. Sa kabilang kuwarto natutulog si Robin habang katabi naman ni Mariel sa pagtulog ang kanyang mga anak.
Biro ni Robin, mas mahal daw ng misis niya ang paninda nilang steak.
Pero pangako naman ni Mariel, balik daw sila sa dating gawi ni Robin to which ang sagot nito: “Mahal mo pa ‘ko, ha? Wow, ang sweet naman nu’n!”