Hindi lang spotted, kundi fully documented ang alindog at kariktan ni Nadine Lustre na having the time of her life sa isang tourist destination sa Siargao.
Siyempre pa, hindi nag-iisa ang babaing may lust sa kanyang apelyido dahil kasama nya ang kanyang tito looking ka-close na male friend na marami ang nag sasabing jowa na niya.
In fairness kay Ginoong Christophe Bariou, yayamanin ito at ayon sa kanyang social media accounts, co-owner of a resort sa nasabing island kaya hindi na kataka-kataka kung bakit nandoon sila.
Ang nakakatuwa sa French educated homme, eh hindi ito feeling celebrity. Sa isang clip kung saan pinagkakagulahan si Bb. Lustre, hindi talaga ito sumasama para mag-strike a pose and vogue kasama ang mga fan. Siya pa nga ang may suhestiyon na siya ang maga-administer ng photo opportunity.
Hindi rin makakaila na mas lalong naging all woman si Nadine sa piling ni Ginoong Christophe. Ang patotoo nito, ang mga fan niya na hindi mapigilang ibunghalit na ang ganda-ganda nito, mabait, hindi suplada at super accommodating na magpa-picture-picture.
Ang tanong at pang-uurot maituturing bang nasa getting to know you stage pa ang dalawa o ‘honeymoon’ na maituturing na ang kanilang rendevouz?
At ang pangalawang tanong, may kirot pa kayang nararamdaman ang best friend James Reid ni Lustre dahil sa bagong hombre sa buhay nito? At pangatlo, kailan nga kaya titili si Nadine na “Oo, kami na ni Christophe” para once and for all, matuldukan na ang mga haka-haka at ispekulasyon?