Tiniyak ni Senador Manny Pacquiao nitong Miyerkoles na kakasuhan niya si Pastor Apollo Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ church, dahil sa pagpapakalat ng kasinungalingan hinggil sa P3.5 bilyong proyekto umano ng senador sa lalawigan ng Sarangani.
Sinabi ni Pacquiao na ang gusali na pinakita ni Quiboloy sa kanyang social media post ay noon pang 1996 at hindi ang pinagawa niya na nagkakahalaga ng P300 hanggang P500 milyon.
“Ito si Quiboloy po gumagawa ng issue na ‘di niya alam. Dapat ‘di siya nakikialam sa gobyerno. Magpokus na lang po siya dun sa pag-evangelize sa kanyang mga disipulong naniniwala sa kanya,” giit ng Pambansang Kamao sa interview ng ANC.
“Ako mismo magfa-file ng case against him. Desidido na po ako kasi may gobyerno naman tayo at pinagkakatiwalaan natin na lahat ng kasalanan ay idaing natin sa gobyerno at mabigyan ako ng katarungan at parusahan sila.” pagtiyak pa niya.
Pinitik ni Quiboloy si Pacquiao matapos nitong banatan ang umano’y korapsyon sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Snow Peak Titanium Flask - Shop Now | Titanium Arts
TumugonBurahinShop for Snow Peak Titanium Flask - Shop Now in titanium dioxide sunscreen Tinode, Virginia citizen super titanium armor with Tioga Stone and thousands 2014 ford focus titanium hatchback of other blue titanium products at our online store. 2019 ford fusion hybrid titanium