Sumisigaw ngayon ng child pornography ang sanggol na nasa cover ng 1991 album ng American rock band na Nirvana.
Sa CNN report, sinabi ni Spencer Elden, ang nakahubad na sanggol sa “Nevermind” album, na child pornography ang iconic artwork at naghabol sa banda dahil sa umano’y “child sexual exploitation”.
Sa naturang album cover makikita si Elden, na sanggol noon, habang nakahubad at nasa ilalim ng dagat.
Ang mga mata niya ay nakatuon sa isang one dollar bill.
Naging isa ito sa mga “most enduring image” sa rock music.
Sa reklamo na inihain ni Elden sa federal court sa California, sinabi niyang dumanas siya ng “lifelong damages” dahil sa naturang album cover.
Humihingi ang 30-anyos na ngayong si Elden ng $150,000 na danyos sa bawat nasasakdal at legal cost.
Kabilang sa mga isinakdal ang mga buhay pang miyembro ng banda, executors ng estate ng lead singer nitong si Kurt Cobain at iba’t ibang record label.
#Nirvana #SpencerElden