Inamin ni Andrea Brillantes na na-threaten siya sa mga baguhan na artista noong siya ay nagsisimula pa lamang bilang child actress kaya nagsilbi itong daan para mag-pursige at lalong galingan ang kanyang pag-arte.
Naikuwento ito ni Andrea sa The Squad Plus YouTube channel kung saan tinanong siya ni Seth kung mayroon ba siyang pinaka-ayaw na naging experience sa trabaho.
“Ang tagal ko na kasi diba, sobrang sakit sa akin na pag may mga bagong dumadating, sikat na sila agad. Ang sakit, parang plato na binasag, ‘yun ako. Ako ‘yung plato pag sa tuwing nakikita ko na lahat ng taon na pinagtrabahuan ko, lahat ng taon na dasal ako nang dasal para makuha ‘yun,” chika ni Blythe.
Hindi raw niya kayang tanggapin kung mapupunta lang sa wala ang pagsisikap niyang maging isang artista, lalo na’t pangarap niyang sumikat para makaipon ng pera para sa kanyang pamilya.
“Iniisip ko, ‘bakit ako ginawa ko naman lahat, naghihintay ako, nagdadasal ako araw-araw, ilang taon na tapos mapupunta lang sa iba. Anong kulang sa akin, anong dapat ko pa bang gawin? Ang sakit-sakit,’” paglalahad niya.
In fairness kay Blythe, talagang nagsumikap siyang maging magaling na artista dahil sunod-sunod ang kanyang projects at ngayon isa pa siya sa mga bida ng Kapamilya teleserye na “Huwag Kang Mangamba.”