Nilantad ni AJ Raval na break na sila ng kanyang dyowa na si Axel Torres.
Sa virtual press conference ng movie ni AJ na ‘Taya’, sinabi nito na ayaw daw kasi ni Axel na magpa-sexy siya sa kanyang mga project.
Kaya naman mas pinili ng anak ni Jeric Raval na makipaghiwalay na lang para sa kanyang showbiz career.
“Gusto ko pong ipagpatuloy yung karera ko. Gusto ko pong sumugal sa karera ko kaysa sa love life,” sey ni AJ.
Inamin din ni AJ na nagselos si Axel sa katambal niya sa pelikula na si Sean de Guzman.
“Hindi na po ako magsisinungaling, pero kasali na rin po si Sean. Pinagselosan po si Sean,” wika pa ng sexy actress.
Ilang sexy movies na ang nilabasan ni AJ, ang pinakahuli ay ang ‘Death of a Girlfriend’, kung saan nakasama niya si Diego Loyzaga.