Hindi nakapagtimpi si Portland Trail Blazers star Damian Lillard sa mga commentator na tunog kampi kay Manny Pacquiao sa laban nito kay Yordenis Ugas.
Sa tweet ni Lillard, sinabi nito na hindi niya ma-gets kung bakit pinapamukhang panalo si Pacquiao sa laban kahit na lamang na lamang si Ugas.
“Ugas fighting his ass off… and they tryna convince viewers that he not winning this fight,” tweet ni Lillard.
Nilinaw naman ni Lillard na fan siya ng parehong boksingero.
Ugas fighting his ass off… and they tryna convince viewers that he not winning this fight… and ima a fan of both! SMH
— Damian Lillard (@Dame_Lillard) August 22, 2021
Lahat ng mga hurado ay pumabor sa Cuban boxer.
Aminado naman si Pacquiao na nagkaproblema siya sa mahabang galamay ni Ugas, at ‘tight’ din umano ang kanyang mga binti kaya’t hindi makagalaw ng maayos sa ring.
Naitanong naman si Pacquiao kung ito na ba ang kanyang huling laban sa loob ng boxing ring.
“I don’t know, let me rest first and relax before I make my decision,” matipid na tugon ng ‘Pambansang Kamao’.
Tags:
MANNY PACQUIAO