Pumasok na rin sa mundo ng online selling si Aljur Abrenica.
Noong August 17 nag-Facebook Live ang aktor para ipakita ang mga ibinebentang pre-loved items sa murang halaga gaya ng mga damit at sapatos na hindi naman daw niya nagagamit.
“I picked some of my clothings, mga nagamit ko sa tapings through time and mga sapatos din and some of them kasi hindi ko na nagagamit. Sayang naman kasi ‘yung mga gamit na hindi nagagamit,” anang aktor.
Katulong niyang nagbenta ang isang kaibigang lalaki.