What is it like kung ang co-host mo ay graduate ng isang reputable university?
Mai-insecure ka ba, o gagawa ka ng paraan para makipagsabayan ka kahit paano para hindi ka naman lumabas na kahiya-hiya?
Ganito ang eksaktong sitwasyong kinapapalooban ni Maymay Entrata.
Hindi ikinahihiya ni Maymay na produkto siya ng isang public school in her native Cagayan.
Pero hindi ito hadlang para ma-insecure siya sa kanyang co-host na si Robi Domingo sa programang Call Me MayBi.
Graduate ng Ateneo de Manila University si Robi.
But in Maymay’s case, nakukuha niyang gawing nakakaengganyo ang kanilang show sa pagtalakay ng mga paksa tungkol sa human relationships and anything under the sun.
Para makasabay kay Robi, may private tutor si Maymay. Nagbabasa rin siya ng mga broadsheets at tabloids to keep herself updated with current events.
What’s more, may dala-dalang dictionary lagi si Maymay!