Iginiit na na-hack ang Facebook page ni dating Quezon City Herbert Bautista.
Ito ay makaraang masaksihan ng netizens ang post kung saan may kalakip na malaswang larawan ng isang babae.
Sa pahayag ng kampo, sinabi nilang may nang-hack umano sa account at doon nai-post ang malaswang larawan.
“We urge all followers of the Mayor Herbert M. Bautista – Quezon City Facebook Page account to report it for investigation due to malicious and unauthorized access,” saad ng admin ng nasabing Facebook page.
“We deny the unsavory post that was uploaded in that socmed account. Please be guided accordingly.”
Tags:
HERBERT BAUTISTA