“Mag-tag kayo kung matapang talaga kayo.”
‘Yan ang patama ng nanay ni Heaven Peralejo na si Luanne bilang tugon sa tweet ni DJ Chacha tungkol sa pang-aagaw ng dyowa.
Sa tweet ng DJ, sinabi nito na huwag maging habit ang pag-epal sa relasyon ng iba.
“Wag niyong kaugalian mang-agaw ng jowa o makiepal sa relasyon ng iba. Makakasanayan niyo yan. Hanggang sa pagtanda, madadala niyo yang ugali na yan,” lahad ni DJ Chacha, na sumabay sa pag-amin nina Heaven at Kiko Estrada sa kanilang relasyon.
Wag niyong kaugalian mang-agaw ng jowa o makiepal sa relasyon ng iba. Makakasanayan niyo yan. Hanggang sa pagtanda, madadala niyo yang ugali na yan.
— DJ Chacha (@_djchacha) August 14, 2021
Bagama’t walang binanggit na pangalan, ilang netizen ang nag-isip na si Heaven nga ang pinapatamaan ni DJ Chacha, lalo’t naisyu ito sa dating paghihiwalay nina Kiko at Devon Seron.
Depensa naman ng DJ, wala siyang sinabing pangalan, at kung sinong matamaan, ibig sabihin ay guilty siya.
Hindi naman natuwa ang ina ni Heaven sa umano’y parinig ni DJ Chacha.
“Yung mga taga showbiz dyan na gusto mag promote ng bashing pero puro encrypted message mag tag kayo kung matapang talaga kayo. Wag puro parinig tapos pag sinugod kayo ng fans sasabihin nyo wala kayong minention. Oo para sayo to @_djchacha,” sey ni Luanne.
Yung mga taga showbiz dyan na gusto mag promote ng bashing pero puro encrypted message mag tag kayo kung matapang talsga kayo. Wag puro parinig tapos pag sinugod kayo ng fans sasabihin nyo wala kayong minention. Oo para sayo to @_djchacha
— Luanne Peralejo (@LuannePeralejo) August 19, 2021