Kahit maganda ay mukhang martyr yata sa pag-ibig si Heart Evangelista.
Sinabi niya kasi sa isang panayam ni broadcast journalist Karen Davila na hindi niya iiwan ang mister niyang si Sorsogon Governor Chiz Escudero kahit na magkaroon ito ng kirida.
Sa naturang interview, tinanong ni Davila kung ano ang maaaring dahilan para maghiwalay sila.
Ani Escudero, maaaring ‘cheating’ daw ang mag-udyok sa kanilang breakup.
Napanganga naman si Davila nang sabihin ni Heart na baka hindi ito ang maging mitsa ng kanilang hiwalayan.
“Yes, because I love him. I don’t love him as a lover, I love him also as a friend,” pagpapaliwanag niya.
Anang aktres, hindi rin siya papayag na magkaroon ng happy ending ang mister niya at ang kabet nito.
“So, you guys gonna have your happy ending? No, I’m gonna stay with you till the end. I’m not gonna give you your happy ending,” hirit pa niya.
Bukod dito, may nabuking rin umano si Heart sa mister niyang politiko.
Aniya, sini-search umano ni Chiz ang kanyang mga naging-ex boyfriend at pinanonood ito sa YouTube.
Giit ni Chiz, hindi naman siya nagseselos.
“The motivation is not jealousy, it’s curiosity.”
Taong 2015 nang ikinasal ang dalawa sa isang pribadong isla sa Quezon.