Hindi sapat ang pagiging isang ideyalistiko, kailangang maging realistiko rin ang tao.
Ito ang mensahe na nais itawid ni dating Senator Juan Ponce Enrile kay Senator Manny Pacquiao sa binitiwan nitong pangako kung papalarin daw siyang maging susunod na Pangulo.
Ayon kay Pacman, should he make it to the Presidency ay bibigyan daw niya ng sariling bahay ang mga iskwater.
Informal settlers na ang makabagong tawag sa mga squatters o kabilang sa urban poor.
Tinatayang nasa pagitan ng lima at sampung milyon (o baka nga higit pa) ang bilang ng mga iskwater.
Isa si Enrile sa mga natawa sa plano ni Pacquiao base na rin sa kasaysayan ng mga naunang presidente sa bansa na hindi kayang bigyan ng libreng pabahay ang urban poor.
Hirit naman ng ilang mamamayan, kung sakali ay saan naman kukunin ni Manny ang budget? Sa sariling bulsa raw ba niya manggagaling ‘yon?
Dagdag pa nila, mas dapat daw tutukan ni Manny ang pagkakaroon ng trabaho bilang sagot sa mga pangangailangan ng tao.