Kumakalat na sa social media ang umano’y pagbebenta ni Jayzam ng kanilang ari-arian matapos burahin ang kanilang Youtube channel na Jamill.
Gamit ang Facebook account na ‘Jayzam Lloyd’, makikita na binebenta ang isang Jeep Wrangler na prinesyuhan ng P2.4M.
Isa pa sa nakita ng mga netizen ay ang isang modern style mansion sa Gapan, Nueva Ecija na binebenta rin ng nasabing account.
Ang girlfriend ni Jayzam na si Camille ay taga-Gapan, Nueva Ecija.
Kung titingnan ang commerce account ng Jayzam Lloyd, makikita na hindi na listed ang kotse at bahay, ngunit puno ito ng mga anime resin figures na nagkakahalaga ng ilang libo.
Matatandaan na naisyu ang dalawa matapos ilantad ng BIR ang isang Youtuber couple na nag-delete ng kanilang channel matapos sabihin ng ahensya na dapat magbayad ng buwis ang mga influencer.
Ayon sa BIR, kumikita ang couple na hindi pinangalanan ng P50M hanggang P100M sa loob ng dalawang taon, habang hindi nagbabayad ng buwis.
#Jayzam #Jamill #JayzamLloyd #JAYZAMMANABAT #CamilleTrinidad