Tila nagpatama si Jinkee Pacquiao sa mga pumuna sa milyong halaga ng kanyang inirampang OOTD sa laban ng asawang si Manny kontra Cuban boxer Yordenis Ugas noong August 22.
Kabilang sa bumatikos ang batikang kolumnista at radio host na si Cristy Fermin.
Tahasang sinabi ni Fermin na walang kahihiyan ang misis ng Pambansang Kamao sa pagparada sa mga binibili nito sa kabila na nasa pandemya ang mundo at maraming pamilyang Pilipino ang nagugutom.
Sa kanyang Facebook post, nag-upload si Jinkee ng mga litrato niya.
Nilagyan niya ito ng caption na tila buwelta sa mga pumuna sa kanya.
“Some people have so little going on in their lives, they would rather discuss yours.
“Remember, people only rain on your parade because they’re jealous of your sun and tired of their shade.
“God is good all the time!” saad ni Jinkee.
Karamihan ng follower ni Mrs. Pacquiao ay nagsabing si Fermin ang pinatutungkulan nito.