Naninindigan ang singer na si Jim Paredes sa kanyang ipinost na tweet nitong August 18.
Aniya, may kaibigan daw siyang nasa Araneta Coliseum kung saan nagsasagawa ng vaccination. Isang pulis daw ang lumapit sa pila at nagbabala na kapag naturukan daw sila’y magiging zombie sila.
May ilang taong naniwala sa pulis at umalis sa pila, habang ang kaibigan daw ni Jim ay nagalit pero walang nagawa.
Umani ng batikos mula sa mga netizen ang “kuwentong barbero” ni Jim.
Sana man lang daw ay kinuha ang pangalan ng nanakot na pulis at na-video-han para may katibayan.
Hindi kailangan sa ngayon ang mga kahindik-hindik na kuwento para takutin ang mga mamamayan.
Mula naman noong ma-roll out ang COVID vaccine ay walang ganoong kuwentong sumulpot.
Lumabas tuloy na katawa-tawa si Jim.