Habang isinusulat namin ito ay hindi pa rin alam ng ilang taong nakapaligid sa sikat na YouTube couple vlogger na JaMill kung bakit nawala ang kanilang You Tube account.
Ang You Tube account nila na mahigit 12 million ang subscribers ay biglang hindi na makita at ang lumalabas, the uploader has deleted the account.
Base sa tweet ni Jayzam, tila clueless naman ito kung bakit nagti-trending na naman sila. So, hindi ba mismo sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad ang nag-delete?
Kahit ang management ng JaMill ay hindi rin alam ang nangyayari at habang isinusulat nga namin ito, hindi pa rin makausap ang dalawa kaya hindi pa masabi ang totoong dahilan ng pagkawala ng YouTube channel nila.
Ang huling beses na nag-trending ang mga ito ay nang mahuli ni Camille na diumano’y may ibang babae si Jayzam. Umabot pa nga sila sa Tulfo nang magpa-Tulfo ang isa sa diumano’y babae nito.
Pero naayos ang gusot at hindi naman nila tinanggal ang kanilang YouTube. At bakit nga ba tatanggalin? Para kang nagtampo sa pera no’n ha.
So, malamang may malaki at seryosong dahilan para ito ma-delete. Pero, ang nakakaloka ang, ang bilis humusga ng iba, na kesyo baka natakot sa BIR dahil sa tax.
Naku, seryosong usapin `yan kaya hindi dapat laruin lang.
#JaMill #JayzamManabat #CamilleTrinidad