Tuloy pa rin si Jinkee Pacquiao sa pagrampa habang sila ay nasa US at tuloy lang din ang mensahe niya sa mga inggitero at inggitera.
Sa kanyang IG post nitong Sabado, sinabi ni Jinkee na delikado sa isang tao ang mainggit, maging bitter at maging insecure.
“Bitterness is a poison to your soul. Jealousy kills your happiness. Insecurity destroys your goodness,” saad sa caption ni Jinkee.
Bukod dito ay may pasaring din siya sa mga taong may galit umano sa kanya nang walang sapat na dahilan.
“No matter how good you are to the people, there is always a person who hate you for no reason,” dugtong pa niya.
Sa kabila nito, sinabi ng asawa ng Pambansang Kamao na tuloy pa rin siyang gagawa ng mabuti sa kapwa.
“But still continue to do good to them with the love of the Lord. Love more! Be happy! Life is short!” ayon pa kay Jinkee.
Binato siya ng kabi-kabilang batikos dahil sa pagsusuot ng magagarang damit lalo na sa huling laban ng asawang si Manny Pacquiao.
Tags:
JINKEE PACQUIAO
