Isa si Bianca Umali sa maituturing na hottest star ngayon.
Bukod kasi sa biniyayaan siya ng magandang mukha, may ipagmamalaki ring kurba, Malusog din ang kanyang hinaharap.
Kaya maraming fans ang umaasam na mula sa pagiging child star ay magle-level up na si Bianca sa mas mature o daring role.
Sinagot niya ito sa isang interview sa “24 Oras”.
Aniya: “I’m not saying no to it but at the same time sa ngayon, at this point of my career I think it’s something na hindi pa ho time.”
Pero bigla itong kumambiyo at sinabing game siya sa daring role pero depende sa istorya.
“I think if it is part of the story, I never say no naman to anything as long as I can do it… I think it depends on how it will be executed, how important it is sa story,” sambit niya.
Tags:
BIANCA UMALI
