Sa wakas ay natapos na ang usap-usapan kung sino ba ang bagong nagpapatibok ng puso ni Kris Aquino.
Sa Instagram post ni Kris, pinag-isip nito ang madlang pipol matapos bumati ng happy birthday sa isang mystery man.
“Thank you for coming into my life… Happy birthday!” sey ni Kris.
Sey pa ni Kris, gusto raw ng kanyang anak na si Bimby ang kanyang bagong pag-ibig, at feeling secure at safe siya rito.
“He’s been around for all my ups and downs, health woes, and tears- plus bimb likes him… most of all he makes me feel taken care of, secure, and SAFE,” ayon sa ‘Queen of All Media’.
Sa naturang post ay nalantad na ang love life ni Kris matapos nitong mag-reply sa isang troll gamit ang account ng TV host.
At iyon ay walang iba kundi si Mel Sarmiento, dating kongresista ng Samar, at matagal ring nanilbihan sa nasabing probinsya.
Unang nagsilbi si Sarmiento bilang vice mayor ng Calbayog, Samar mula 1992 hanggang 1995, matapos nitong naging alkalde naman ng siyudad mula 2001 hanggang 2010.
Matapos maging mambabatas noong 2015, in-appoint si Sarmiento bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG), at hinawakan ang puwesto hanggang sa matapos ang termino ni yumaong dating Pangulo Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.
Si Sarmiento ay kilala ring kaalyado ng Liberal Party, na tumayong secretary-general ng nasabing partido.