Bilib na talaga kami sa netizens na sila na mismo ang naghahanap ng ebidensya para patunayang sina Paolo at Yen daw ang nasa video na magkasamang naglalakad patungo sa Manaoag church sa Pangasinan.
Kumalat na nga ang mga litrato mula sa Instagram kung saan makikita ang tsinelas ni Paolo at sandals ni Yen na nag-match sa couple na nakunan ng video sa Baguio.
Ang suot na tsinelas ni Paolo ang siya ring gamit niya habang nakaupo sa isang scooter at si Yen naman ay suot ang sandals nang mag-selfie siya at naka-peace sign.
Bukod sa suot na tsinelas ni Paolo at sandals ni Yen ay pinag-match din nila ang tattoo ni Paolo sa kanang likod ng braso nito at si Yen naman sa kaliwang kamay.
Ipinagtatanggol naman nina Manay Lolit Solis at Nanay Cristy Fermin ang dalawa at hindi raw sila ang nasa video.
Hanggang ngayon ay misteryoso pa rin kung si Yen nga ba ang dahilan ng paghihiwalay nina Paolo at LJ Reyes.
#PAOLOCONTIS #YENSANTOS