Nakakaloka rin ang ibang mga intrigero’t intrigera dahil pati si Liza Soberano ay hindi pinalampas.
Ang latest intriga nga ay naghihirap na raw ang girlfriend ni Enrique Gil kaya nagbebenta na raw sila ng alcohol.
Ito nga ang intrigang hindi pinalampas ng manager ni Liza na si Ogie Diaz sa YouTube channel nito.
Sabi ni Ogie, aware daw si Liza sa intrigang ‘yon, huh! In fact, sinagot na rin ng aktres ang false accusations sa kanya sa kanyang Twitter account.
Nakiusap nga si Liza na tigilan na ang mga maling balita tungkol sa kanya. Bilang isang business owner din, sinabi ng aktres na walang masama na magbenta ng alcohol.
Aniya, “As long as your product is of high quality and you’re not scamming people, your hussle is your hussle. Don’t let anyone tell you otherwise.”
Well, tama nga naman si Liza, ‘noh?!
