Kataka-takang “zero” na sa kasalukuyan ang following ni Paolo Contis sa kanyang Instagram account, damay pati ang karelasyon niyang si LJ Reyes.
Maging ang mga litrato nila ni LJ ay burado rin maliiban sa nag-iisang picture kung saan magkakasama sila with their child Summer at si Aki na anak ni LJ kay Paulo Avelino.
Samantala, pina-follow pa rin ni LJ si Paolo sa IG.
Natural lang na magtaka ang mga netizen gayong nito lang July 14, nag-post pa ng mahabang “love message” si Paolo para kay LJ habang naka-lock in sa taping ng I Left My Heart in Sorsogon.
Ani Paolo sa kanyang post, kahit daw wala siya physically ay batid niyang well taken care of ni LJ ang mga bata. Tinawag pa nga niyang “Love” si LJ.
Hindi siyempre maiiwasang itanong kung may problema ang magkarelasyon para burahin ni Paolo sa kanyang IG si LJ at maging ang mga happy pictures nila togerher.
Bago dumating si LJ sa kanyang buhay, nakarelasyon ni Paolo si Lian Paz na ngayo’y nakatagpo na rin ng iba.
#PaoloContis #LJReyes