Nilagyan ng kahulugan ng mga avid AshMatt fans (nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli) ang post ni Matteo Guidicelle na may kalakip na litrato.
Post ng aktor: “I’m thinking of getting a new family SUV.”
Ayon sa mga tagahanga ng mag-asawa, “hint” daw ‘yon na posibleng nagdadalantao na ang singer-actress.
Anila, idinaan lang daw ‘yon ni Matteo sa SUV pero ang totoo’y baby ang tinutukoy nito.
Kung magkaganu’n daw ay masaya ang mga fans para sa mag-asawa, “The long wait is over!”
Mahigit isang taon nang kasal sina Sarah at Matteo.
Nagkataong sa rami ng commitments ni Sarah kung kaya’t hindi muna niya gustong magkaaanak. Sumabay pa ang paglipat nila sa bagong tinitirhan plus attending to their business on the side.
Sinasabing ang pagkakaroon ng anak ni Sarah ang susi para raw ganap nang magkaayos si Matteo at ina ni Sarah na si Mommy Divine.
Matatandaang inilihim nina Sarah at Matteo ang kanilang Christian wedding kay Mommy Divine, dahilan para magwala ito sa reception.