May hashtags na #JusticeForMarkHerrasKahitDiKoSiyaClose at #Let’sHelpMarkHerrasInsteadOfBashingHim ang Instagram post ng model at TV personality na si RR Enriquez nitong August 17.
Inalmahan kasi ni RR ang Tiktok video kung saan makikita si Mark Herras at ang manager nitong si Lolit Solis. May dayalog doon si Lolit na, “30K wala ka?” patungkol kay Mark.
Halaw ‘yon sa August 3 episode ng online show ni Lolit kung saan ikinuwento niyang tinawagan daw siya ni Mark para manghiram ng P30,000 pambili ng gatas ng kanyang anak.
Tahasang sinabi ni RR na hindi siya close kay Mark, “pero makikisawsaw ako.”
Pinalagan niya ang pamamahiya ng manager sa alaga pa mandin niya, “Lolit, 70 plus ka na. Ang tanda mo na. Sana ‘yung natitira mong taon sa mundo, gawin mo sa kabutihan.”
Hindi raw tama na ilugmok pa ni Lolit si Mark sa kahihiyan sa kawalan ng pera dahil hindi lang naman ang aktor ang nagigipit ngayong panahon ng pandemya. Bagkus ay dapat pang tulungan ni Lolit si Mark.
Sinabon din kasi ni Lolit ang alaga sa kawalan ng pokus nito sa kanyang career, kaya napag-iwanan tuloy ng kanyang mga kapanabayan.
Marami namang celebrities ang sumang-ayon kay RR, kabilang na sina dianne medina , alyana asistio, zeinab harake at ang transgender na si Kevin Balot
