Kahit banyaga ay tiklop sa kagandahan ng sosyalerang si Heart Evangelista.
Makikita kasi sa kanyang mga latest Instagram story na nakasama niya sa isang photoshoot ang bokalista ng rock band na Incubus na si Brandon Boyd.
Hindi lang normal na posing ang ginawa ng aktres dahil sumakay pa siya sa likod ng singer.
“You’re crazy for pushing for this shot – but thank you for being so polite,” saad niya sa IG story.
Kasalukuyang nasa America si Heart para sa isang art project kasama si Brandon.
Bukod sa dalawa, kasama rin sa naturang prokeyto ang artists na sina Alia Shawkat, Mark Mothersbaugh, at Melissa Villaseñor.
Tags:
HEART EVANGELISTA
