Nagsalita na si Jeric Gonzales. Itinanggi nga niya na niligawan niya si Sheryl Cruz.
“Actually, hindi ko po alam kung saan galing ang info na ‘yan. I never court Ms. Sheryl Cruz,” mariing pagtanggi niya.
“Friends po kami and professionally sa Magkaagaw co-star kami and I’m happy with that. Pero in-terms po sa lovelife na sinasabi niyo, wala pong gano’n, wala pong gano’n na nangyayari.” saad ni Jeric sa Manila Bulletin report.
At kahit na may shipper rin ang dalawa, lalo pa nga’t sa Instagram ni Sheryl, tila may mga pahiwatig ito sa ilang posting na parang loveteam talaga sila, binigyang-diin din ni Jeric na mas gusto niyang maging solo actor than makilalang may ka-loveteam.
Masaya naman si Jeric na isa siya sa cast ng month-long episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko na “Captain Barbie” at magsisimula ng mapanood ngayong Linggo.