Nagpositibo sa sakit na COVID-19 si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ngayong araw.
Agad na dinala si Domagoso sa Sta. Ana Hospital upang agad na mabigyan ng medikal na atensiyon.
“Nakararamdam ako ng kaunting ubo, kaunting sipon. Masakit ang aking katawan ngayon,” saad ni Domagoso.
Sa kabila nito, tiniyak ni Domagoso sa mga Manilenyo na tuloy pa rin ang lokal na pamahalaang lungsod sa pagtugon at pagbibigay serbisyo kontra sa pandemya dulot ng COVID-19.
“Kapit lang. Tuloy ang buhay. Tuloy pa rin ang gobyerno sa Maynila. Umasa tayo, magtiwala tayo sa Diyos, makararaos din tayo,” dagdag pa ni Domagoso.
Tags:
ISKO MORENO