Bago pa gumana ang malisyosong isip ng ilang netizen, tila inunahan na ni Bea Alonzo ang mga ito sa pagsasabing kalmot ng aso ang kanyang nasa leeg.
Buong ningning na ipinakita ng aktres ang kanyang dog scratch na kagagawan ng kanyang pet dog o fur baby na si Walter.
Dala raw ‘yon ng sobrang pagka-miss ni Walter sa kanya.
Isang buwan ding nagbakasyon si Bea sa Amerika kasama ang inamin na niyang boyfriend na si Dominique Roque.
Ganoon din katagal nawalay si Walter sa kanya, kaya naman noong mag-post si Bea ng, “Finally, I’m home!” ay may kalakip itong larawan nila ng kanyang pet dog.
Sa isip-isip siguro ni Bea, mabuti nang linawin niya agad kung ano ang nasa kanyang leeg and how she got it.
Hindi maiaalis na mag-isip ng kung anu-ano ang ilang netizen at sabihing love bite o kiss mark ‘yon courtesy of Dominique.
Pero kung magpapalagay man ng ganu’n si Bea ay bakit sa leeg pa?
Common sense.