Is Angelica Panganiban heavy with a child?
Ito ang nagkakaisang tanong ng mga netizen matapos i-post ng aktres ang kanyang picture sa Instagram nitong September 6.
Top shot ang pagkakakuha sa litrato kung saan nakatingala si Angelica.
Nasa harap siya ng mesa na may mga baraha at green chips.
Mapapansin na ‘yung isang kamay niya ay nasa bandang tiyan na animo’y may tinatakpan.
Napansin ng aktor na si Pepe Herrera ang pagiging masaya ni Angelica, kaya duda ng mga netizen na baka dala ng kasiyahang ‘yon ang pagiging buntis sa nobyong si Gregg Homan.
Eksaktong ‘yun din pala ang gustong mangyari ng ilang netizens who can’t wait to see Angelica get pregnant.
Bale ba, mukhang maternity dress ang house clothes na suot niya sa picture.
Tags:
ANGELICA PANGANIBAN