Dinipensahan ng kilalang entertainment columnist at talk show host na si Cristy Fermin ang aktor na si Paolo Contis sa hiwalayan umano nito kay LJ Reyes.
Ayon kay Cristy, hindi daw si Yen at Paolo ang nasa viral video.
"Hindi po si yen yung babae, lalong hindi po si paolo yung lalake"
Paliwanag pa talk show host, tila napuno raw ang aktor sa pinagdaraanan nito sa relasyon nila ni LJ gayung alam ng lahat kung gaano niya ito kamahal noon.
"Pinakamamahal mo si LJ, pinaglaban mo, tinanggap mo na meron na siyang anak sa ibang personalidad, bakit napuno ang salop? May dahilan na matindi diyan"
Alam umano ni LJ na nagbago si Paolo Contis na karelasyon niya sa loob ng anim na taon kaya maaring mayroong matinding rason sa pagbabagong ito.
"Nagbago talaga si Paolo Contis sa pagmamahala sa kanya (LJ Reyes), Laging may dalawang panig ang isang isyu, tapos 'yung katotohanan na sila lang dalawa ang nakakaalam," dagdag pa ni Cristy.
Pagtatanggol pa niya sa aktor, tila nakinig si LJ sa mga 'sulsol', 'bulong' at sightings na nabanggit niya mismo sa interview sa kanya ni Boy Abunda.
Ito marahil ang dahilan aniya kung bakit maaring nana-nag ng isang babae ang kanilang kapareha.