Sana’y hindi lang dahil may third party umano sa parte ni Paolo Contis ang dahilan ng paghihiwalay nila ni LJ Reyes.
Sa nakaraang panayam ni Boy Abunda kay LJ, walang malinaw na dahilan ang ibinigay si LJ sa tunay na mitsa ng kanilang hiwalayan.
Basta ang sabi lang ni LJ ay ilang buwan na raw niyang tinitis ang panlalamig ni Paolo sa kanya.
Ayon kay Cristy Fermin, ikina-turn off daw ni Paolo ang pagiging nagger at mapaghanap ng aktres lalung-lalo na pagdating sa trabaho.
Diumano, may notebook daw si LJ kung saan nakatala roon ang bawat trabaho ni Paolo at kung magkano ang bayad sa kanya kada taping o shooting.
Daig pa raw ni LJ ang manager ni Paolo o ng BIR mismo.
Hindi rin daw nagustuhan ni Paolo ang laging bungad ni LJ sa tuwing umuuwi siya galing trabaho, na sa halip na pagpahingahin muna ang pagod na aktor ay sinisinnghalan niya at kinukumpronta.
Malaking factor din daw ang malamig na pakikitungo ni LJ sa mga in-laws o kaanak ni Paolo, na maging ang itinutulong ng aktor sa mga ito’y sinisilip daw n LJ.
Sana’y malayo sa katotohanan ang lahat ng ito.