Sa showbiz vlog ni Ogie Diaz ay napag-usapan ang patungkol sa issue na pag a unfollow at pag delete ni Kiko ng mga litrato nila ni Heaven sa instagram.
Matatandaang ilang linggo pa lamang ang nakalilipas ng magpa exclusive interview sa kaniya(Ogie DIaz) si Kiko Estrada at nilinaw nitong mahal na mahal niya si Heaven kaya naman humarap siya upang sagutin ang lahat ng issue sa kanilang relasyon.
Ani ni Ogie Diaz na naloka siya sa pangyayaring ito at ayon na rin sa sapantaha niya sa ginawang ito ni Kiko ay hiwalay na nga ang dalawa.
“Feeling ko nag split na sila, nag break na sila kasi kapag ganyan na nag-unfollow na si lalake du’n sa babae, wala na ‘yun,” pagsisimulang pagbabahagi ni Ogie.
“Mako-confirm natin kung talagang wala na sila kung si Heaven ay mag-a-unfollow na rin kay Kiko at magde-delete na rin siya ng photos nila.
“So ‘yun na ‘yon, one way of saying, ‘wala na kami.’ Hindi natin alam kung ano ang rason pero ako may nakausap ako, wala na sila, nag-split na sila,” dugtong pa niya.
Kung totoo mang hiwalay na ang dalawa ay mahigit sa apat na buwan lang sila naging magkarelasyon ayon na rin sa kumpirmasyon ni Kiko na nitong Mayo ng taon sila naging mag jowa ni Heaven.