Aminado si Rhen Escano na hindi niya naabutan ang mga pelikula ni Jao Mapa noong kapanahunan, kabataan nito. Pero, noong malaman daw niya na si Jao ang makakapareha niya, agad-agad siyang nag-Google, inalam kung ano ang mga pelikula nito, at tiningnan ang mga photo nito noong bata pa.
“Ang cute niya noon! Hanggang ngayon naman cute pa rin, pero siyempre nagka-age na siya. Pero, nandun pa rin ang kaguwapuhan,” sabi ni Rhen.
Siyempre, napasubo si Rhen sa lampungan kay Jao. Si Jao na halos tatay na lang niya dahil sa agwat ng edad nila.
Anyway, sila nga ang mga bida sa pelikulang ‘Paraluman’ na dinirek ni Yam Laranas.
Well, sa trailer pa lang, makikita na agad kung gaano kaagresibo si Rhen sa landian kay Jao, ha! At puwede ngang sabihin na si Jao pa ang napasubo sa lampungan kay Rhen, dahil agresibong babae nga ang role ni Rhen sa movie.
Pero siyempre, ramdam na ramdam naman daw ni Rhen kung gaano siya pinrotektahan ni Jao sa mga sensitibong eksena nila.
#RhenEscano #JaoMapa #Paraluman