Kalat na kalat sa TikTok ang mga video, photo ni Paolo Contis na may kasamang babae, na naka-long sleeves ng kulay black, na may yellow at red na design at naka-short na white ang girl.
Si Paolo naman ay simpleng t-shirt lang ang suot at naka-shorts din na puti.
Ang sabi, sa Baguio raw ang eksenang `yon, na nakaupo ang dalawa, kumakain. Hindi lang masyadong clear ang photo ng babae, dahil nakatalikod nga sila, at tanging mukha lang ni Paolo ang makikita.
Samantala, sa isang video naman ay makikitang naglalakad ang dalawa at todo holding hands nga sila.
Hindi pa rin ma-identify ang babae sa naturang photo, video, dahil naka-cover nga ang mukha ng face mask at face shield, eh. Pero, sa tindig, at pigura, at haba ng buhok, parang medyo hawig nga raw kay Yen Santos.
May mga nagsasabi na eksena raw `yon sa movie nila na A Faraway Land na napapanood sa Netflix.
Pero, yun nga, hindi pa man napapatunayan na si Yen ‘yon, hinusgahan na agad siya ng marami. Damay nga si Yen sa galit ng mga netizen kay Paolo. Kung babasahin mo ang mga mensahe sa video nayon na naglalakad nga ang babae at ka-holding hands ni Paolo, maloloka ka sa masasakit na tawag sa kanya.
Well, sa tingin ko, dapat maglabas ng statement si Yen Santos, bago pa man siya tuluyang isumpa o bastusin ng mga netizen, na naniniwalang siya ang nasa photo, video na kasama ni Paolo.
Sobrang unfair kung mawawasak siya nang dahil lang sa mga naglalabasang video, photo, na iginiit ng iba na siya nga, at hinusgahan na agad ang pagkatao niya.