Tatlong netizen ang diretsong itinuro si Joy Reyes bilang third party umano sa hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes.
Umabot pa sa puntong tinukoy ng isa sa tatlong netizen si Joy kung saan nagpapalipas ng gabi si Paolo.
Si Joy ang dating karelasyon ni Jomari Yllana, na nagreklamo sa kawalan umano nito ng sustento sa kanilang dalawang anak.
Idinemanda rin ni Joy si Jomari ng cyber libel case at paglabag sa mga karapatan ng kababaihan at bata (VAWC).
Nasabi noon ni Jomari na tatlong lalaki umano ang nauugnay kay Joy: isang matinee idol, isang versatile actor at isang aktor na kasabayan niya.
Hula ng tatlong netizen, isa roon si Paolo.
Mariin naman itong pinabulaanan ni Joy, “No, it’s not true. I don’t know them personally.” Ang “them” ay patungkol kina Paolo at LJ.
Isang kaibigan ni Joy na nagngangalang Billy ang nagpatunay na hindi ito ang hinihinalang third party sa Paolo-LJ breakup.