Anong ganap sa mundo ng showbiz
Nag labas ng pag kadismaya ang original guitarist ng bandang Rivermaya na si Perf De Castro sa kanyang facebook post tungkol sa copyright claim sa isa sa kanyang youtube video.
Ang nasabing video ay version ng kantang 214 na tinugtog ng live ng Perf De Castro band. Si Perf ang original na gitarista na gumawa ng iconic solo sa kantang 214 na tumatak sa pakinig ng kanilang tagahanga.
Sa naturang post ay ang screen shot ng copyright take down notice ng pag takedown ng video. Nakalagay din ang nag issue ng removal request na si Rico Blanco na original composer ng nasabing awit. Ayon pa kay Perf ay kahit na naka revenue sharing ito ay pinapatake down parin at ayaw lang talaga ni Rico.
Caption ni Perf sa post "Look at this petty BS. FYI, I went thru copyright clearance via Distrokid before releasing this version and the 3rd pic shows revenue sharing. Kahit maganda ang passive income, ayaw nya lang talaga.
Anyway, I’m tired of this. Taking down all Rivermaya related content from all my platforms including the TABs on my website by December 1, 2023. Download nyo na lahat while you can." Ayon kay Perf sa comment section ay manually claimed daw ito ni Rico.
Sa kabilang banda ay binabash naman ang ginawang solo rendition ni Rico sa kantang 214 dahil ayon sa mga bashers ay sintunado daw ito.
Nag labas ng pagkadismaya ang original guitarist ng bandang Rivermaya na si Perf De Castro sa kanyang facebook post tungkol sa copyright claim sa isa sa kanyang youtube video, .
Nakatakdang mag reunion concert ang Rivermaya sa February 17, 2024, pero hindi kasama si perf sa nilabas na poster ng live nation philippines sa di pa alam na dahilan.