Kung gusto n’yong mapikon si AJ Raval: ask her about virginity.
Hindi itinago ng baguhang aktres na na-offend siya sa ipinadalang tanong sa female cast members ng latest niyang sexy drama movie sa presscon nito kamakailan.
Ang tanong kasi ay kung hindi natatakot si AJ at dalawa pa nitong co-stars na makuwestyon ang kanilang virginity dahil sa pagganap ng mga sexy roles.
Halos nagkakapareho lang ang sagot ng dalawang co-stars ni AJ. Role lang naman daw ‘yon at malayo sa tunay na buhay. Form of art naman ang sagot ng isa.
Pagdating kay AJ, hindi raw siya natatakot pero hindi ito nagpatumpik-tumpik na sabihing nakaka-offend daw ang naturang tanong, ke virgin pa o hindi na ang babae.
Dumepensa pa si AJ na maaaring magkamali ang isang babaeng tulad niya pero maaaring iwasto ang anumang pagkakamaling ‘yon.
Bumilib naman ang kanilang direktor sa sagot ni AJ. Anito, 2021 na. Makabago na ang panahon.