Anong ganap, sa mundo ng showbiz
Handa si Sen. Manny Pacquiao na tumakbong presidente sa 2022 elections lalo na kung si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanyang makakatapat.
“It’s not yet October 8 but if it is Sara who will be the anointed one, he will go for it,” ayon kay dating Bacolod Rep. Monico Puentevella.
Nauna nang sinabi ni Pacquiao na ihahayag niya ang kanyang desisyon sa Setyembre, isang buwan bago magsimula ang paghahain ng certificate of candidacy sa mga tatakbo sa halalan 2022.
Isiniwalat naman ni Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na tinanggihan ni Pacquiao ang imbitasyon ng PDP-Laban Cusi wing na maging senatorial candidate ng partido.
Ayon kay Pimentel, base sa huli niyang pakikipag-usap sa Pambansang Kamao, tuloy na tuloy ang pagtakbo nito sa pampanguluhang halalan.
“Ang latest text sa akin ay tuloy na tuloy! MP also looked very fit for a gruelling nationwide campaign. He did not look like he just fought a very tough world championship fight.” bahagi ng text message ng senador.