Kalat sa social media ang mga larawan ni Nadine Lustre habang nasa Siargao, kung saan wala siyang make-up at ordinaryong tao lamang ang itsura.
Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng Facebook fan page na JaDine Moments na naka-maong shorts lang si Nadine at nakasuot ng simpleng pang-itaas.
Mayroon pang isang larawan kung saan makikitang bumibili siya sa tindahan.
Ginawan ito ng mga meme ng mga netizen at sinabing parang nautusan lang bumili sa tindahan ang peg ni Nadine.
“Nadine being able to do “normal” things in Siargao. She’s been staying there since the first week of August,” saad ng JaDine Moments.
Narito ang mga comment ng netizens:
Aaron Malicse: “Yung inutusan ka ng nanay mo bumili ng mang tomas tapos sayo na raw sukli kaso pag bili mo sakto lang pera wala ng sukli.”
Enzo Sario: “Ung inutusan ka ng mama mo bumili sa tindahan kaso nasa swimmingan ka.”
Richelle Sagaysay: “Yung nagpophotoshoot ka sa loob ng kwarto mo, tapos bigla kang inutusan ng nanay mo.”