Personal ang naging atake ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Manila Mayor Isko Moreno sa ‘Talk to the People’ nitong Lunes.
Hindi man binanggit ni Duterte ang pangalan ni Moreno, ngunit sinabi ng Pangulo na dapat hindi magpaloko ang mga Pilipino sa isang politiko na kalat ang sexy picture.
“Hindi lang tayo puwede magsalita ng politiko dito, pero ‘yan, kayong mga Pilipino, huwag kayo magpaloko diyan sa mga pa-drama magsalita,” sambit ni Duterte.
“Nakita ko nga sa Facebook kanina, lahat ng, nakabikini ang gago. Tapos may isang picture pa doon na sinisilip niya ‘yung ari niya,” aniya pa.
Hindi pa nakuntento si Duterte at sinabing parang ‘call boy’ umano ang training nito para maging susunod na presidente.
“‘Yan ang training ng presidente, maghubad at magpa-picture, at magsilip, magyabang sa kanilang ari,” giit pa ni Duterte.
Dati nang sinabi ni Moreno na hindi niya kinakahiya ang kanyang mga sexy role dati sa showbiz.
“I am not ashamed of this. Anything na ginawa ko sa showbiz, I’m happy I survived. In portraying characters, there are challenging scenes, and I’m happy when I give justice to a particular scene,” pahayag ni Moreno.
#IskoMoreno #RodrigoDuterte