Isang tingin ko pa lang, sure ako na may mga magri-react, manlalait, lalo na mga basher, sa latest Instsagram post na `yon ni Miss International 2016 Kylie Verzosa.
Eh kasi nga, sa limang photo na pinost niya, halos lahat ay naka-bukaka siya.
Sa unang photo, bagamat nakabuka ang dalawa niyang hita, nakatakip naman ang kanyang kamay.
Sa pangalawang photo, itinaas kasi niya ang kanyang isang hita, kaya lumantad ang singit niya.
Sa pangatlong photo, isang korteng bulaklak na dilaw naman ang makikita.
Sa pang-apat na photo, nakatayo na siya, at nakausli ang puwet.
Sa pang-limang photo, nakabuka pa rin ang hita niya, pero ang mukha niya na tilad gulat-gulatan ang mas nakaagaw ng pansin, at ang kanyang suot na crocs.
“Outfit check!” simpleng caption ni Kylie.
Pero, ‘yun nga, dahil nalantad ang singit niya, kaya sangkatutak na komento ang mababasa mo.
Sabi ng mga netizens
“Hello po `yung singit niyo po sa 2nd pic kita nap o. Sorry. Baka kasi ma-bash kayo",
“Haha kita nga dark shades!”,
"Kita na ang singit na maitim"
“May maitim ata”
“Ang itim ng singit mo kylie, sayang ipa ivee mo yan, lagi ka andun hindi mo mapaputi yan"
"Hala Kita ang singit, parang may dark sya"
“Ang itim"
“Parang may dark part sa 2nd"
Well, all in all, mas dagsa namana ng mga fan na gustong makasama si Kylie, na puring-puri at pinagtatanggol siya.
Banat nga ng iba sa mga basher ni Kylie, halos lahat ng babae ay medyo may kulay ang singit, dahil sa sinusuot na panty, at dahil na rin sa monthly visitor nila. At kahit ano pa siguro ang isuot ni Kylie, hindi sapat na basehan `yon para laitin siya, dahil si Kylie, malaking karangalan ang binigay niya sa Pilipinas, bilang Miss International 2016.
Kabog, di ba? Kaloka!
#KylieVerzosa
Tags:
KYLIE VERZOSA