Goal ni Pia Wurtzbach na pagbalik niya ng Pilipinas, anim na pandesal na rin ang makikita sa kanyang tiyan.
Yes, goal nga ni Pia na gayahin ang ‘abs’ ng jowa niyang si Jeremy Jauncey. Na hindi naman kataka-takang mangyari in the future, dahil heto nga at halos araw-araw silang angwu-work out, ha!
Sobrang aktibo ng dalawa sa pagpapaganda ng katawan. Na talagang ini-enjoy nila ang pagbabawas ng taba, ha!
Si Pia nga, habang nagpu-push up si Jeremy, talagang pasayaw-sayaw pa siya sa likod nito. At yes, nangako si Pia na target niya ang magkaroon ng abs na tulad ng kay Jeremy.
“Makakahabol din ako sa abs, wait lang po!” sabi pa ni Pia.
Well, ang sarap ngang panoorin nina Pia at Jeremy na sabay nagpapapawis.
Pero, isa pa sa kinaiinggitan kay Pia ngayon ay ang kanyang kulay, na super tan. Mas lalo raw lumakas ang sex appeal ni Pia nang magpa-tan ito.
Pero siyempre, ang tunay na kinaiinggitan naman talaga kay Pia ay ang boobs niya na super laki, di ba? Goal ng mga babae na magkaroon ng ganun.
Pero mahirap din ang malaking boobs, dahil sabi nga, ramdam na ramdam na nabibigatan si Pia sa boobs niya, lalo na kapag nagwu-work out siya.
Eh kung ang mga fan nga nabibigatan sa boobs ni Pia, eh, tumitingin lang sila, paano pa kaya si Pia?
